News

Brgy. 1 namahagi ng flyers sa mga residente para sa tamang pagtatapon ng basura

Namahagi ang Sangguniang Barangay ng Barangay Uno sa Lungsod ng Lucena sa pangunguna ni Kapitana Herminia Abuel ng flyers sa mga residente nito tungkol sa tamang pagtatapon ng basura at oras ng pag-ikot ng kanilang garbage truck sa nasasakupan.

Inisa-isa ng sangguniang barangay ang bawat household sa lugar para sa mas maayos na pangangasiwa ng basura.

Ayon kay Abuel, tatanggalin na nila ang dating pick-up point ng basura sa kanilang barangay dahil sa mismong garbage truck na magtatapon ang mga residente para mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa barangay.

“Kasi ang sanggunian ay nagprovide ng sarili naming dump truck yung sarili na ng barangay pinondohan na namin ng dalawang taon para nga meron kaming sarili, ang problema namin dito ay ang aming pick-up point yun ang aming purpose don eh sa truck na ididiretso wala na kaming magiging pick-up point.”

Layunin aniya nito na masawata ang mga dumadayo para lamang magtapon ng basura sa kanilang barangay at para na rin maiwasan ang anumang banta ng sakit.

“Nagiging tapunan ba na kahit hindi mo kabarangay ay dito na nagtatapon yun ang gusto naming matanggal kasi nga sila’y nawiwili akala nila pick-up point dito na nilalagay dumadami ang aming basura.”

Sa ngayon, plano ng barangay tuwing Monday, Wednesday at Friday o MWF ang pagkolekta nila ng basura para sa mapanatli ang kalinisan sa komunidad.

Pin It on Pinterest