News

2022 Budget ng Lucena City Aprubado na sa Ikalawang Pagbasa ng Sangguniang Panlungsod

Sa botong 9-2, naipasa na sa ikalawang pagbasa ang panukalang budget ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena para sa taong 2022, na nagkakahalaga ng P1, 585, 141, 714.00 noong araw ng Lunes, October 18, 2021 sa Sangguniang Panlungsod.

Ang deliberasyon ukol sa LGU Annual Budget para sa Fiscal Year 2022 ay dininig ng chairperson ng Committee on Appropriations sa ilalim ni Konsehal Anacleto Alcala III at ang naturang budget ay inaprubahan ng Sangguniang Panlungsod sa ikalawang pagbasa sa pamumuno ni Vice Mayor Philip Castillo.

Ito ay matapos na maayos maipaliwanag at maidepensa ng bawat department head kamakailan ang kani-kanilang budget partikular na para sa kanilang mga empleyado, maintenance o overhead costs, at iba pang gastusin ng kanilang opisina.

Nakasaad sa ordinansa na ang ilan sa mga prayoridad ng pondo ng lokal na pamahalaan ay nakalaan para sa infrastructure projects, health, education, COVID-19 response at iba pa.

Pin It on Pinterest