News

3 bomba nadiskubre sa Sariaya, Quezon

Isang pinaniniwalaang hindi sumabog na mga “bomba” ang natagpuan sa labas ng isang bahay sa Barangay Mamala 1 sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Ang naturang tatlong bomba ay gawa sa Type 89, 50MM, Knee Mortar, HE.

Ayon sa ulat ng Quezon Provincial Explosive Ordnance and Canine Unit o Quezon PECU, sa pangunguna ni PEMS. Ferdinand Rios, PNC OIC ng naturang unit, bandang alas 4:30 ng hapon, nang madiskubre ng isang lalaki ang pampasabog sa tabi ng kanilang bahay na pag-aari ni Sofronio Bagadiong Rodriguez, 65-taong gulang habang naglilinis umano ito ng kanilang hardin sa lugar.

Agad naman rumesponde ang mga tauhan ng Quezon PECU, matapos na makatanggap ng tawag mula sa Sariaya Municipal Police Station at kinordon ang buong paligid.

Ipinalalagay ng mga awtoridad na ang nasabing bomba ay isang uri ng “vintage bomb” na mula pa sa World War ll.

Dinala na ang narekober na bomba sa kanilang unit para sa pag-iingat at kaukulang disposisyon.

Pin It on Pinterest