Trash to rice program, ipatutupad sa Brgy. Ibabang Dupay
Kung sa ibang bayan at karatig lalawigan ay naipatutupad na ang trash to bigas program, sa Lungsod ng Lucena ay plano ng Sangguniang Kabataan ng Brgy. Ibabang Dupay sa pangunguna ni SK Chairman Rolden Garcia katuwang ang kanyang kapitan na si Jacinto Boy Jaca sa programa.
“Yong programa ay tinatawag na trash to bigas program. Ibig sabihin ‘yong mga recyclable plastics specially ‘yong plastic na matatagal ang buhay, ‘yong matitigas na plastic, balat ng chichirya, balat ng noodles, ng shampoo, ng sabon at iba pa sa halip na maging basura at maging problema ng ating komunidad dito sa Ibabang Dupay naisip po natin na magbuo ng isang programa na nakasuporta sa solid waste management program ng city government at ng barangay na ‘yon nga ‘yong trash to bigas. Ibig sabihin gugupitin po nila ‘yon, hindi naman po kapinuhan basta po kakasya sa 1.5 plastic bottle. Limang piraso po ng 1.5 bottle na mapupuno nila ng ginupit na plastic ay katumbas po ng dalawang kilong bigas,” pahayag ni Garcia.
Nilinaw ni SK Chaiman Garcia, na lehitimong mga taga Ibabang Dupay lamang ang makikinabang ng programa.
Layon ng lugar na bawasan ang plastic sa basura sa kanilang lugar.
Samantala, idinagdag pa ni Garcia na ang mga bote raw nilang malilikom ay gagawing eco-bricks at pwede rin daw gawing kagamitan ara sa beautification ng Brgy. Ibabang Dupay tulad na lamang ng gagawing arko at gawing gamit para sa backyard gardening.