News

Kabayanihan ng 5 CAFGU na nasawi sa Tagkawayan, kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan

Personal na nakiramay si Governor Doktora Helen Tan sa pamilya ng mga nasawing miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa nangyaring enkwentro sa pagitan ng Armed Forces of The Philippines (AFP) 85th Infantry Battalion at mga miyembro ng Communist Terrorist Group – New People’ Army (CTG-NPA) sa Sitio Pagasa, Brgy. Mapulot, Tagkawayan, Quezon.

Nag-alay ng luksang parangal at binigyan ng Full Military Honors sina CAA Cesar Sales, CAA Jeffrey San Antonio, CAA Aljohn Rafa, CAA Johnwell Perez at CAA Jomari Guno at ihihimlay ang kanilang mga labi sa Libingan ng mga Bayani ng Tagkawayan, Quezon.

Sabi ni Gov. Tan, bilang Ina ng Lalawigan at Chairperson ng Regional Peace and Order Council, siniguro nito na hindi siya titigil katuwang ang Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang mga ahensya ng pamahalaan hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang pagkasawi ng mga bayaning CAFGU’s na ang nais lamang ay mapanatili ang kapayapaan sa lalawigan.

Dakong alas-syete ng umaga, ika-01 ng Setyembre 2023, sa naging pahayag ng 85IB, habang nagpapatrolya ang walong CAFGU na pinamumunuan ng isang sundalo ng 85IB sa Sitio Pag- asa, Brgy. Mapulot malapit sa hangganan ng Tagkawayan, Quezon at Labo, Camarines Norte, nakasagupa ang mga teroristang NPA mula sa Bicol gamit ang Improvised Explosive Device (IED). Tinatayang tumagal ng 30 minuto ang palitan ng putok at nagresulta sa pagkasawi ng limang Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) Active Auxiliary.

Pin It on Pinterest