News

Dagdag pasahe sa Jeep, hirit ng mga Tsuper

Dahil sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo, lalo na raw na lumiit ang inuuwing kita sa pamilya ng jeeney driver na si JC sa maghapong pamamasada.
“Wala na, dalawa, tatlong daan suwerte pa yon,” ayon sa tsuper.

Matumal na nga raw ang pasahero, hindi pa sila makapagpuno ng sakay dahil sa mga ipinatutupad na panuntunan sa hawaan ng virus, tunay na raw na malaki ang nawalang kita sa mga tsuper ayon mamang Mamerto, tila bagsak na raw ang kanilang hanapbuhay.

“Gawa po ng Pandemic, ayan po ang sakay ko kita n’yo po (50% capacity), malaki ang diperensya, ari nga ay animan na lang ay hindi pa mapuno puno.”

“Maraming tsuper po ang hirap bumiyahe ‘yong iba nga po ay hindi bumabiyahe.” Kaya sana raw ay mapansin ng pamahalaan ang mga katulad nilang driver ng jeepney.

Hindi man nais Mamerto na humirit na magtaas ng pasahe, dahil sa kalalagayan din ng mga mananakay, patuloy naman daw na tumataas ang presyo ng produktong petroyo
.
“Kami naman po hindi dapat na magtaas ng pamasahe gawa naiintindihan din namin ang katayuan ng pasahero pero wala kaming magagawa, patuloy ang pagtaas ng presyo ng krudo.”

Pormal nang naghain ng petisyon para sa hirit na taas-pasahe sa jeep ang limang transport group sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Nakasaad sa anim na pahinang petisyon ng mga grupo ang P3.00 dagdag-singil sa pamasahe. Humihirit din sila ng P2.00 provisional increase habang hinihintay ang desisyon ng LTFRB sa kanilang fare hike petisyon. Giit ng mga grupo, napapanahon na para pagbigyan sila ng lTFRB lalo’t higit P10 na ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel mula noong 2018.

Sakop ng kanilang petisyon ang NCR, Regions 3 at 4. Samantala, una ng Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na pag-aaralan nila ang posibilidad na subsidiya sa mga driver at operator ng pampublikong sasakyan sakaling hindi aprubahan ang kanilang hirit na taas-pasahe.

Pin It on Pinterest