Accomplishments ng administrasyon dahil sa pagkakaisa at pagtutulungan – Mayor Mark Alcala
Inilatag kamakailan ng alkalde ng Lungsod ng Lucena ang naging accomplishments nito simula nang umupo at magtrabaho bilang opisyal ng gobyerno
Sa naging talumpati ni Mayor Mark Alcala ng nasabing lungsod, inilahad nito sa publiko ang kanyang mga nagawa bilang alkalde simula noong Hulyo 1, 2022.
Sa unang linggo pa lamang ng kanyang pag-upo, inilunsad nito ang Lucena VIP Ka Program kung saan dapat maayos ang pagtrato ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena sa publiko na magtutungo sa Lucena City Government Complex.
Kaninang umaga, October 17, sinabi ni Mayor Alcala sa isinagawang regular na Flag Raising Ceremony na sa unang 100 araw niya bilang opisyal ng gobyerno ay marami na agad naging accomplishments dahil sa pagkakaisa at pagtutulugan ng bawat isa.
Hindi raw ito maisasakatuparan kung hindi magtutulungan ang bawat isa.
“Telling you that we have accomplished our first 100 days. As I have reported, this administration will be known for the word we, meaning it’s not only me but it’s all of us that will make the city great. As you can see marami na po tayong na-accomplished sa unang 100 araw natin ito po ay dahil sa pagtutulungan ng bawat isa sa atin so congratulations po sa ating lahat”.
Hangad ng opisyal na patuloy na magkaisa at magtulungan sa kanyang pamamalakad upang marami pang matulungan na mga Lucenahin.