News

Senior citizen, patay matapos pagsasaksakin sa General Luna, Quezon

Patay ang isang senior citizen na lalaki matapos na pagsasaksakin sa bayan ng General Luna, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Virgilio Ricamara Hermosa, 65-anyos, residente ng Purok Central A, Brgy. Bacong Ilaya sa naturang bayan.

Batay sa report ng General Luna PNP, habang kumakain ang biktima sa loob ng bahay ng pamangkin na si Aljun Aguado Ricamara ng dumating ang suspek na kinilalang si Ranjone Ricamara Surbano at pinaghahanap ang biktima.

Dahil dito, nagkaroon ng komprontasyon at mainit na pagtatalo sina Hermosa at Surbano na naging dahilan ng pananaksak sa biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktima na agad naman dinala sa ospital para sa tulong medikal subalit ideneklara na itong dead-on-arrival ng mga sumuring doktor.

Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang kinaroroonan ng suspek na agad tumakas matapos ang nasabing krimen.

Pin It on Pinterest