News

Bagong City Hall ng Tayabas City pinasinayaan na

Pormal nang binuksan sa mamamayan ng Tayabas City ang kanilang bagong City Hall.

Umaga ng May 9, 2023 pormal itong pinasinayaan na dinaluhan ng iba’t ibang kilalang personalidad ng Tayabas City at ilang matataas na opisyal ng Lalawigan ng Quezon.

Sa harap ng mga kawani at bisita sinabi ni Tayabas City Mayor Love Reynoso-Pontioso ang bagong gusaling ito ay isang gintong pamana ng yumanong Alkalde ng kanilang Lungsod na si Mayora Ernida Agpi Reynoso na sumasalamin daw ngayon sa higit na kaunlaran ng Lungsod ng Tayabas.

Ang bagong bahay-pamahalaan ng Tayabas City ay ipinagawa upang makapagbigay ng higit pang dekalidad na serbisyo publiko.

Ang New City Hall of Tayabas City ay matatagpuan sa Barangay Baguio na sinasabing makabago, maalwan at mas kumportable, malawak ito at tatlong palabag, may elevator para sa mag-akyat panaog sa gusali, sa labas nito may sariling parking area.

Noong taong 2018 nang pagpasa noon ang Sanguniang Panglunsod ng Tayabas City ng isang ordinansa upang makapagloan sa Development Bank of Philippine ang Lokal na pamahalaan ng Tayabas City sa pagpapatayo ng Bagong City Hall.

2019 ng simulan ang konstruksyon nito, dahil sa pagtama ng pandemya bahagyang nabalam ang pagagawa nito, 2023 nang tuluyan nitong natapos.
Sa kabuuan may lawak itong 29, 631 square meter lot na may open field flat terrain, tatlong palapag ang gusali na may roof deck na may tinatayang 13, 260 square meter gross floor area.

Ang bagong City Hall ng tayabas citay ay accessible mula Tayabas-Saryiaya Road at sa Tayabas Bypass Road.

Itinayo ito sa labas ng kabayanan upang maibsan ang trapiko sa kabayanan ng kanilang syudad ipinagmamalaki ito ngayon ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas City sa buong lalawigan ng Quezon.

Pin It on Pinterest