News

BFP Quezon, May Pinakamaraming Fire Truck sa CALABARZON

May pinakamaraming fire truck ang BFP Quezon sa buong CALABARZON

Ito ang pahayag ng Provincial Fire Director ng Quezon Bureau of Fire Protection Supt. Rowena Gollod sa programang ‘Usapang Tapat ni Manong Nick’.

“Actually po Manong Nick, ang atin pong BFP Quezon, sabi ko nga sa tulong ng ating napakagagaling na LGU Executive provided po tayo ng mga gamit sa buong CALABARZON po Manong Nick, ang BFP Quezon po ang may pinakamaraming fire trucks,” sabi ni Supt. Gollod.

Dagdag pa ni Supt. Gollod na 76 units ang fire trucks na galing sa national government at pati daw LGU’s ay mayroon na ding fire truck na patuloy na ginagamit ng mga bumbero.

“76 units po ‘yan ng mga fire trucks na binigay po sa atin ‘yan ng national government and aside from that Manong Nick marami po tayong LGU’s na meron na din pong na-procure na fire trucks,” saad ni Supt. Gollod.

Ayon pa sa Provincial Fire Director na mayroon din daw silang PPE’s o personal protective equipment na ginagamit ng kanilang mga personnel.

Sinabi din ni Supt. Gollod na patuloy pa din daw silang sinusuportahan ng LGU sa pamamagitan ng pagbibigay ng panibagong gamit.

Pin It on Pinterest