News

Biyahe ng maliit na bangka sa Quezon, sinuspende dahil sa masungit na panahon

Pansamantalang sinuspende ng Philippine Cost Guard mula pa kahapon ang biyahe ng mga maliliit na pampasaherong bangka sa Nothern Quezon dahil sa masungit na lagay ng panahon.

Ayon sa adisory ng PCG Nothern Quezon kahapon, lahat ng mga pampasaherong bangka na mababa sa 250 Gross tonnage (GT) ay hindi muna pinapayagang maglayag.

Apektado dito ang biyahe ng mga bangkang de katig patungo sa ilang mga islang bayan sa Polillo Group of Island. Pinapayagan namang makabiyahe ang mga RORO.

Sa Real port sa Quezon, tinatayang nasa 100 pasahero ang stranded patungo sa mga bayan ng Patnanungan at Jomalig. Nasa 10 maliliit na sasakyang dagat din ang hindi pinayagang makaalis ng PCG. Marami sa mga pasahero ay sa bangka na lamang at sa loob ng PPA compound nagpapalipas ng oras.

Nagbibigay naman ng ayudang pagkain ang lokal na pamahalaan ng Quezon sa mga stranded na pasahero. Sa Weather advisory ng PAGASA, apektado ng shear line ang Bicol Region, Quezon, Romblon at Marinduque at posibleng makaranas ang matinding mga pagbuhos ng ulan.

Pin It on Pinterest