News

Brazilian Jiu-jitsu nais makilala pa sa Lalawigan ng Quezon

Ang Brazilian Jiu-jitsu ang kinahihiligang sport ngayon ng mga anak ni Ginang Catherine Untalan. Tatlo sa mga batang anak niya edad 9 – 13 ay Jiu-Jitsu practitioner ng Kalilayan Jiu-jitsu Club. Bukod daw sa mga pagkatuto ng self-defence, disiplina sa sarili ang isa sa importanteng bagay na natutunan ng mga bata sa naturang combat sport kasabay ng magandang kalusugan.

“Ang pinaka-main benefits n’ya is sa health, t’saka ‘yun pong ano in terms of discipline ‘yun ang pinaka-importante sa self-discipline,” sabi ni Catherine Untalan.

Ano nga ba Brazilian Jiu-jitsu?

“Is a self-defense martial art, it is a combat sport, focus sa grappling and submission hold,” ani RJ Salamillas, Head Coach ng Kalilayan Jiu-jitsu club.

Isang combat sport na hindi raw kailangang umatake kasabay ng pagdepensa sa sarili laban sa opponent na nais ng Kalilayan Jui-jitsu na nakabase sa Lucena City na mas makilala pa sa lalawigan ng Quezon.

“We are encouraging everybody specially those children and teens and ‘yung kaya pa i-enjoy ‘yung sport about grappling. Actually, ang grappling is a gentle art of grabbing ang fighting your opponent controlling your opponent and which do not use striking,” saad ni Salamillas.

Sa panahon ngayon bagay na dapat daw matutunan kahit paano hindi lang ng mga kalalakihan maging ng kababaihan lalo ng sa murang edad na huhubog daw sa may matibay na karakter at personalidad ng isang indibidwal.

“One of the benefits po kasi ng Brazilian Jiu-jitsu is syempre po ‘yung matututo ka ng skills which is applicable as self-defence and mainly po talaga this is a discipline alam naman po natin ngayon ‘yung mga kabataan iba ‘yung attitude nila ‘yung character,” sabi ni Nadine Potes, Assistant Coach ng Kalilayan Jiu-jitsu.

Samantala, upang higit na mapalawak ang kaalaman sa Brazilian Jiu-jitsu ng mga Jiu-jitsu trainee ng Kalilayan Jiu-jitsu, isang seminar ang ginawa kung saan bisita ang isang Jiu-jitsu black belter na si Jaguar Tang, Multiple Pan Asian Gold Medalist at kampeon din sa iba pang kompetisyon sa Asya. Nagturo ito ng iba’t ibang techniques sa open guard concepts at omoplata.

Pitong taong gulang na batang babae ang pinakabata na naging partisipante, iba’t ibang paraan ng pagdepensa sa iba’t ibang pag-atake ang kanilang natutunan.

Step-by-step ipinakita ng bisitang propesor sa mga Jiu-jitsu practitioner kung paano ang pagdepensa sa pag-atake habang lumalaban, upang lupigin ang kalaban sa pamamagitan ng submission, arm lock at iba pa.

Sabi ng black belter na si Tang malaki ang kaibahan ng Brazilian Jiu-Jitsu kumpara sa iba contact sport.

Naganap ang seminar, umaga ng January 14, 2023 sa isang Resort and Restaurant sa bahagi ng Tayabas City.

Pin It on Pinterest