News

Inspection sa mga proyektong pang-imprastraktura, isinagawa sa bayan ng General Nakar

Upang matiyak na mahusay ang implementasyon ng mga mahahalagang proyektong pang-imprastraktura kabilang na ang paggawa ng mga tulay at kalsada sa bayan ng General Nakar.

Nagsagawa ng field validation/inspection sa isinasagawang rehabilitation/improvement ng Magnak Hanging Bridge na pinangasiwaan ng DILG Quezon PDMU ang inspeksyon, sa pangunguna ni Engr. Jude C. Emprese, at PEO II Kurt Russel Batayola.

Ang naganap na pagsusuri at pagsubaybay sa mga proyekto gaya ng tulay ay naglalayong masubaybayang mabuti at masuri ang pagpapatupad ng iba’t ibang mga makabuluhang proyekto sa nasabing bayan na pinondohan mula sa programang FALGU 2022 ng Pamahalaang Nasyonal at ng Pamahalaang Lokal ng General Nakar.

Isa sa prayoridad na programa ni Mayor Esee Ruzol ay ang mga proyektong pang-imprastruktura upang magkakaroon ng komportable, ligtas at mas mabilis na access sa mga serbisyong panlipunan, mapalakas ang lokal na ekonomiya sa lugar at mas mapabilis rin ang paghahatid ng mga programa at tulong sa taong bayan.

Pin It on Pinterest