Dating mabahong landfill ng Lucena may halaman at gulay na!
Malinis at maayos na ang kalagayan ng Sanitary Landfill ngayon, kung saan tinaniman nila ito ng iba’t ibang halaman at gulay ang kapaligiran. Matatandaang sobrang dami lagi ng basura dito at may masamang amoy pa, kaya naisip ng local na pamahalaan na linisin ang sanitary landfill at naglagay rin dito ng opisina ng solid waste management division (field office) para sa mga kawani ng landfill area.
Dagdag pa rito may guard house na rin dito kung saan siya ang nagbabantay sa lahat lalabas at papasok na sasakyan. Ang Republic Act No. 9003 o ang “Ecological Solid Waste Management Act” ay nagbibigay ng legal na balangkas para sa sistematiko, komprehensibong at ecological solid na programa ng pamamahala ng basura sa bansa na dapat na tiyakin ng proteksyon sa pampublikong kalusugan at sa kapaligiran.
Samantala nagpasalamat naman ang mga malapit na naninirahan sa lugar dahil anya nawala raw ang amoy na mabaho, luminis pa ang kapaligiran. Ayon naman sa ilang residente na malapit sa sanitary landfill at hindi na nagpakilala ng kani-kanilang pangalan malaki anila ang kanilang kinikita dahil pinagbabawal ni Mayor Roderick Alcala na manguha ng kalakal ang mga driver at pahinante.