Sangguniang Panlungsod ng Lucena, itinanghal na best implementer ng programang “Sa Lucena, VIP ka’ sa unang Linggo ng Marso
Tinanghal ang Office of the Secretary to the Sanggunian na Top 1 Implementer ng programang ‘Sa Lucena, VIP Ka’ Program ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena sa pamumuno ni Mayor Mark Alcala para sa unang Linggo ng Marso na may kategoryang Big Offices.
Ito ay may average na 83.66, Top 2 ang City Agriculture Office habang Top 3 ang City Assessors Office.
Iginawad ang Certificate of Recognition ng Alkalde katuwang sina City Administrator Anacleto ‘Jun’ Alcala Jr. at City Human Resource Management Officer Criselda David kasama ang mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod kasabay ng isinagawang regular na flag raising ceremony nitong Lunes ng umaga, March 6.
Naging Top 1 naman sa kategoryang small offices ang City Tourism Office na may average na 83.66 habang Top 2 ang City Population Office at Top 3 ang Offices of the City Urban Poor Affairs.
Ang Lucena, VIP Ka’ Program ng Lucena LGU ay naglalayong maging mas maayos ang pagtrato ng mga kawani ng lokal na pamahalaan sa lahat ng mga magtutungo dito para sa anumang pag-aabyad ng dokumento o pahingi ng anumang asistensya.