News

DENR nagkaloob ng mga titulo ng lupa sa mga ekwelahan

Pormal na ang pag-aari ng 44 na pampublikong paaralan sa lalawigan ang lupang kanilang kinatatayuan matapos ipagkalob ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Education (DepEd) ang ‘Titulo ng Pagmamay-ari ng Lupa’ sa mga ito. Ayon kay Alfredo Palencia, provincial environment and natural resources officer, na ito ang kauna-unahang paghahandog ng titulo sa mga pampublikong paaralan sa buong rehiyon ng CALABARZON.

Ang pagbibigay ng titulo ay alinsunod sa DENR Administrative Order Number 2015-01 na nagtatakda ng pagbibigay ng mga titulo ng pagmamay-ari ng lupa sa mga pampublikong paaralan na hindi pa pagmamay-ari ang lupang kanilang kinatitirikan. Hinikayat ni Palencia ang mga prinsipal ng iba pang pampublikong paaralan na mag-sumite na rin ng aplikasyon upang magkaron na ng titulo ang kinatitirikan ng kanilang mga paaralan.

Pin It on Pinterest