Distribution of Livelihood Assistance, patuloy na isanasagawa sa bayan ng Gumaca
Patuloy ang pamamahagi ng livelihood assistance ng Pamahalaang Bayan ng Gumaca sa iba’t-ibang samahan.
Kabilang rito ang Solo Parents sa pangunguna ng kanilang pangulo, Rica Malveda, na nagsumite ng project proposal sa tanggapan ng MSWD.
Batay sa kanilang inihaing proposal sila ay napagkalooban ng bigas at frozen foods bilang panimula sa kanilang negosyo.
Napagkalooban rin ng kaparehong tulong ang samahan ng KALIPI o Kalipunan ng Liping Pilipina.
Sumailalim rin sila sa isang pagsasanay sa pananahi sa loob ng sampung araw at sa kanilang pagtatapos ay napagkalooban ng tulong pinansiyal upang makapagsimula sa kanilang paghahanapbuhay gamit ang kanilang bagong natutunang kakayahan.
Nag-iwan naman ng mensahe si Mayor Webster D. Letargo sa kanila na palaguin ang kaalaman at puhunang ipinagkatiwala.
Gayundin ay binigyan sila ng kasiguruhan na kapag napalago nila ito ay maaari na rin silang makahiram ng mas malaking puhunan sa We Love Gumaca Negosyo Ayuda Livelihood Program (WLGNALP) sa ilalim ng Community Development Office ng munisipyo.