Dolores, Quezon tumanggap ng Gawad Kaagapay Award
Ginawaran ng pagkilala si Mayor Orlan A. Calayag mula sa Department of Education o DepEd bilang isang Gawad Kaagapay Awardee 2022 sa bayan ng Dolores, Quezon.
Ang nasabing prestihiyosong karangalan ay dahil sa mahalagang ambag nito sa pagtalima at pakikiisa sa mga gawain at proyektong isinusulong ng kagawaran para sa patuloy na pagpapataas ng antas at de-kalidad na edukasyon sa naturang bayan.
Labis namang pasasalamat ang ipinapaabot ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno Mayor Calayag sa DepEd Schools Division of Quezon Province sa pangunguna ni Asst. Schools Division Superintendent/OIC Mr. Elias A. Alicaya Jr., EdD para sa nasabing pagkilala.
Pasasalamat din ang ipinapaabot ng Dolores LGU sa DepEd Dolores District sa pamumuno ni PSDS Jomar Umali sa patuloy na pagpapatnubay para maging posible ang pagkilalang ito at sa pakikiisa ng lahat ng kaguruan at mga magulang na siyang naging kaagapay sa pagtataguyod ng edukasyon upang ang bawat kabataang mag-aaral ng Dolores ay may magandang kinabukasan.