News

Bangkay ng lalaki, natagpuan sa tabi ng highway sa Pagbilao, Quezon

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa gilid ng kalsada sa New Zigzag Road, Sitio Upper Sanipit, Barangay Malicboy, Pagbilao, Quezon.

Batay sa report ng pulisya, ang bangkay ay nakitang nakabalot ng face towel at itim na trashbag ang ulo, at nakaposas ang mga kamay. Nakasuot ito ng black T-shirt, itim na short pants at asul na tsinelas. May mga tattoo sa kaliwang braso, tiger at dragon naman ang tattoo sa kanang bente at isang malaking Chinese character na tattoo naman sa likurang bahagi ng katawan.

At tila may tama ng bala ng baril ito sa kaliwang dibdib. Tinatawang nasa 30-40 taong-gulang.

Pasado alas 7:00 ng umaga noong Pasko, Dec. 25, 2022, nang makita ng isang residente ang nakahandusay na katawan na kaagad na ipinagbigay-alam sa mga awtoridad. Maaari umano itong itinapon lamang sa lugar.

Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng Pagbilao PNP hinggil dito.

Pin It on Pinterest