News

Maayos na trabaho ng mga kawani ng BPLO, pinuri ni Mayor Mark Alcala

Pinuri ni Lucena City Mayor Mark Alcala ang mga kawani ng Business Permit and Licensing Office o BPLO dahil sa maayos na trabaho nito sa mga Lucenahin.

Masaya si Mayor Alcala na maganda ang feedback sa naturang opisina dahil sa itinayong Business One Stop Shop o BOSS ng Pamahalaang Panlungsod ng Lucena.

“Bukod po sa magandang performances nila, maganda rin po ang performances nila pagdating sa serbisyo kasi marami po ang magandang feedback sa kanila lalong lalo na business permit renewal, business permit application. Mabilis na po ang transaction nila tapos bukod po doon pag nagrerenew na lang ng business permit dinadala nila sa bawat offices tama po ba? So ayan napakalaki na po ng improvement at upgrade ng nagawa sa BPLO Offices.”

Layon ng BOSS na matulungan ang mga business owners na mabilis na mabayaran ang mga kinakailangang permit sa pagnenegosyo.

Ang pagkakatatag ng BOSS ay bahagi ng Good Governance at Ease of Doing Business initiatives ng lungsod upang mapabilis at maisaayos ang proseso ng aplikasyon ng mga mamamayan na nais magnegosyo at magtayo ng pagkakakitaan, at tuluyan nang mapigilan ang palakasan, korapsyon, at mga di makatarungang gawain.

Parte ng adbokasiya ni Mayor Mark ang mas mapalakas ang lokal na ekonomiya sa pamamagitan ng pag-usbong ng mga negosyo kung kaya’t patuloy ang pagpapatupad ng mga hakbangin upang gawing mas business friendly ang lungsod.

Pin It on Pinterest