News

Fire Safety and Awareness Seminar at Fire Drill, idinaos sa Brgy. 9

Nagsagawa ang Lucena City Fire Station ng fire safety and awareness seminar at fire drill sa Barangay 9 sa Lungsod ng Lucena sa pakikipagtulungan nina Kapitana Filipina Flancia, Kgwd. Gaddy Dimaculangan at Kgwd. Lito Picoy Go.

Ayon kay Kapitana Flancia, layunin ng aktibidad na maturuan at mapabuti ang kakayahan ng mga residente sa nasabing barangay partikular na sa Purok Ipil 2 at Ipil 3 upang patuloy na mahasa ang kahandaan nito sa sunog at masiguro ang kaligtasan ng mga tao.

Aniya, kailangang malaman ng publiko ang mga dapat gawin kung mayroong sunog.

Layunin pa rin ng nasabing drill ay para maiwasan ang matinding pinsala at casualty.

Dagdag pa nito, nasubukan sa isinagawang drill ang kapasidad ng mga fire fighters pati ang kanilang mga equipments sa pag-apula ng apoy.

Pin It on Pinterest