Garbage truck sa Lungsod ng Lucena, muling nadagdagan
Muling nadagdagan ang garbage truck na umiikot sa buong lungsod ng Lucena upang mangolekta ng mga basura.
Ayon sa City General Services Office Head Alyssa Marie Mijares na nagpapasalamat siya kay Mayor Dondon at sa Lokal na Pamahalaan dahil mula sa walo ngayon ay labing lima na ang garbage truck ng lungsod.
“Natutuwa po ako at nagpapasalamat kay Mayor Dondon at sa Lokal na Pamahalaan kasama po ang Sanggunian nadagdagan po kami ulit ng purchase na truck na idedeliver po siguro by April. From originally na nung last interview nyo when I came 8 yung truck ngayon po nasa 15 na yung truck natin,” pahayag ni Mijares.
Dagdag pa ni Mijares na lahat ito ay bago at matitibay na garbage truck.
Samantala, sinabi din ng Hepe ng GSO na nagbigay ang Department of Agriculture at DENR ng dalawang composter kung saan ginagamit sa mga training.
“Napadalahan tayo upon our request ng Department of Agriculture at DENR ng dalawang malaking sets, sets po yun two sets of a composters ito po ay 1 tuner at yung isa po ay mahigit 1 tuner a day so mas malaki po yung isa,” pahayag ni Mijares.
Ayon pa kay Mijares na ito ay parte ng Solid Waste Management Program kung saan ibinubukod sa basura ang mga dapat pang pakinabangan upang magamit pa sa ibang paraan.