News

Ginang dumulog sa himpilan ng pulisya upang ibalik ang perang pumasok sa kanyang e-wallet account

Kasama ng ilang opisyal ng Barangay 10 sa Lucena City, dumulog kaninang umaga, September 27, 2023 sa Lucena City Police Station si Dahlin Gretel Saniel, residente ng nasabing barangay upang isauli sa tunay na may-ari ang pera na naisend sa kanyang GCash account.

“Para magsauli lang po sana ng pera. ‘Yung natanggap ko sa GCash, isusuli ko doon sa nagsend,” sabi ni Saniel.

Laking-gulat ni Dahlin Gretel Saniel na may pumasok na P39,000 sa kanyang GCash account ganong hindi naman daw siya nagpapacash-in sa kanyang e-wallet account.

“Kaninang umaga ko lang nabasa na may nagkamali na naisend sa aking pera,” saad ni Saniel.

Kaagad siyang nakipag-ugnayan sa mga barangay official ng kanilang lugar upang ito’y maisauli. Sinamahan siya mismo sa himpilan ng pulisya nina Kagawad Jack Maligalig at Kagawad Dexter Degalicia upang pormal na maiproseso ang pagsasauli nito.

Ayon kay Dahlin, hindi daw sumagip sa isip niya na kanyahin na lang ang pera sa kabila ng pangangailangang pinansyal. Kagagaling lang daw niya ng ospital pero mas nangibabaw ang paggawa ng mabuti at hindi ang pagiging makasarili.

Naging mabusisi ang Lucena PNP sa proseso ng pagbabalik ng pera.

As of 12:00 noon kanina, hindi pa naisasauli ang pera.

Pinuri naman ng Lucena PNP, ang kabutihang loob ni Ginang Dalhin Saniel sa pagpupursige na maisauli ang perang aksidente na naisend sa kanya.

Pin It on Pinterest