News

Programa kontra-malnutrisyon ng Tayabas LGU, nagpapatuloy

Nasa 450 “undernourished” na bata kasama ang kanilang mga magulang ang tumanggap ng nutritious food packs mula sa Pamahalaang Panlungsod ng Tayabas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso nitong Martes.

Ang programang ito ay may temang “Malnutrisyon ng Batang Tayabasin ay Puksain: “Masustansyang Pagkain sa Iyong Hapag Ihahain”.

Isinagawa ang pamamahagi sa naturang nutritious food packs sa Bayanihan Isolation Facility sa Brgy. Mateuna na pinangunahan ni Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida.

Ang “nutritious foods on a pink bag” ay naglalaman ng oats, orange, munggo, apple,1 tray of egg at iodized salt na tutugon sa malnutrisyon ng mga batang “undernourished” sa Lungsod ng Tayabas.

Ang Dietary Supplementation Program (DSP) for Undernourished Children ay magkatuwang na isinusulong ng City Nutrition Council at ng City Gender and Development Council na parehong pinamumunuan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kaagapay sina CNAO Marinel Zaporteza-Chong, CGAD TWG Head Maide Jader at CHO Hernando Marquez, M.D.

Pin It on Pinterest