Mahigit 300 residente ng Brgy. San Isidro Ilaya nakinabang sa medical mission ng General Luna LGU
Mahigit 300 residente ng Barangay San Isidro Ilaya ang nakinabang sa medical mission na inorganisa ng Pamahalaang Bayan ng General Luna, Quezon nitong Linggo, March 19.
Naisakatuparan ito sa pamamagitan ng pakikipagtuwang ng lokal na pamahalaan sa Rotary Club of Metro Lucena at IVMCC, na isang non-profit NGO mula sa Maynila.
Layunin ng aktibidad na maghatid ng libreng serbisyong medikal sa mga mahihirap na mamamayan tulad ng konsultasyon at mga gamot.
Apat na doktor ang sumuri na merong para sa Pedia, Cardio, Derma at Gen. Medicine.
Ang inisyatibong ito ng General Luna LGU ay nilalayon nitong ilapit ang mga programa at serbisyo nito sa mga mamamayan lalo na sa mga nangangailangan.