News

ICU ng Quezon Medical Center magagamit na

Maaari nang magamit ang bagong Intensive Care Unit ang Quezon Medical Center makaraan ang pormal na pagpapasinaya nito kasabay ng unang taong anibersaryo ng pagkakatayo ng Quezon Medical Center Annex. Personal na binisita ni Governor David Suarez ang bagong pasilidad at kinamusta ang kalagayan ng mga pasyente doon. Ayon sa Gobernador, ang pagtuon ng pansin sa sektor ng kalusugan ay hindi lamang upang harapin ang problema ngayon, kundi pati na rin sa hinaharap at isa sa mga ipinagmamalaking taglay ng QMC ay ang ICU Complex na pinaka-una sa lalawigan na mayroong ganitong uri ng pasilidad.

Ang Quezon Medical Center ay isa sa prayoridad ng pamahalaang panlalawigan na pinaglalaanan ng pondo upang lalong mapakinabangan sa hinaharap ang mga pasilidad nito. Inanunsiyo rin ng gobernador ang nakatakdang pagtatayo ng mirror building sa tapat mismo ng QMC Annex. Bukod pa rito ay naglaan na rin ng mga karagdagang silid para sa mga pasyente kasabay ng pagbibigay ng sari-sariling hospital beds para sa mga ito.

Pin It on Pinterest