News

Ilang bayan at lungsod sa Quezon Province, kinilala ng CEMEX bilang katuwang sa Solid Waste Management

Kamakailan ay kinilala ng CEMEX Philippines ang iba’t ibang bayan at lungsod sa Lalawigan ng Quezon bilang katuwang nito sa tamang pamamahala ng solid waste.

Tumanggap ang Lungsod ng Tayabas pati na rin ang bayan ng Atimonan, Candelaria, Mauban, Mulanay at Tiaong ng espesyal na pagkilala mula sa CEMEX Philippines.

Ang paggawad ay ginanap sa pulong ng Quezon Province Solid Waste Management Board at ng Province’s League of Local Environment and Natural Resources Officers sa Tayabas City, Quezon.

Anim na lokalidad sa Quezon ay tumutulong sa CEMEX Philippines na tugunan ang problema ng pamamahala sa basura ng bansa sa pamamagitan ng proper waste segregation, collection, treatment at co-processing.

Mula noong 2021, higit sa 360,000 kg ng basura ang nakolekta mula sa Lalawigan, at inaasahan ng CEMEX na marami pang makakalap at karagdagang LGUs na makikiisa sa nasabing gawain.

Ayon sa isang pag-aaral ng World Bank noong 2021 ang Pilipinas ay isa sa may pinakamalaking nai-aambag ng plastic waste sa mundo na mahigit 163 milyong piraso ng sachet ang nauubos araw-araw at 2.7 milyong tonelada ng plastic na basura ang nalilikha sa Pilipinas bawat taon at halos 20% nito ay napupunta sa karagatan.

Pin It on Pinterest