News

Mga opisina ng Lokal na Pamahalaan ng Tayabas City, lilipat sa kanilang Bagong City Hall

Ilang kawani ng mga opisina ng Lokal na Pamahalaan ng Tayabas City ang unti-unti nang naghahakot ng kanilang mga gamit sa paglipat nila sa bagong City Hall ng Tayabasa City.

Sinabi ni Taybas City Mayor Lovely Reynoso Pontioso at ipinababatid nito sa mga Tayabasin na simula sa lunes, April 17, 2023, dahan-dahan nang ililipat ang ilang tanggapan ng Local Government Unit ng Tayabas sa kanilang bagong bahay pamahalaan at dito na regular na mag-oopisina.

‘’Dahan-dahan na pong lumilipat ang mga opisina ng lokal na pamahalaan sa bago nating City Hall.”

Sa paglipat ng maraming opisina ng kanilang lokal ng pamahalaan sa kanilang bagong City Hall, ay makakaasa raw ang kanilang mamamayan ng mahusay na paglilingkod.

Dahil bagong gusali at bagong lipat ang mga kagamitan, hindi daw posibleng maiiwasan na magkaroon ng kaunting aberya sa daloy ng mga transaction.

Sa mga bagay na pagbabago may birthpain e nga raw.

Sa panahon pong ito, maaaring may mga bahagyang pagkaantala sa pagtugon sa mga katanungan at regular na mga transaksyon dahil ang mga linya ng telepono at koneksyon sa internet ay patuloy pang isinasagawa. Bukod pa rito, naglilipat pa rin ng mga dokumento at electronic files na naka-link sa mga opisina sa Old City Hall.

Kaya ngayon palang ay huminingi na ng paumanhin at pang-unawa si Mayor Lovely Pontioso at nananawagan ng suporta at pang-unawa, pipilitin daw nila sa paglipat ng mga opisina sa bagong tanggpan ng syudad na maging maayos at mabilis ang pagbibigay serbisyo sa kanilang kababayan na hangad ng pamahalaang lokal na higit na mabuti ang serbisyo.

“Ng dahang-dahang paglipat ay paghinngi din ng pumanhin kung magkakaroon man tayo ng kaunting slight delay sa mga transaksyon o mga pagkakataon na dahan dan ng makpaglipat.”

Simula sa Lunes inahaasang kalahati na ng mga opisina ng kanilang pamahalaang lokal ay dahan dahan ng makakapaglipat sa kanilang bagong city hall.

‘’Target po natin na May or Jun completed na lahat na nadoon.”

Samantala, may mga opisina naman na mananatili sa kanilang kasalukuyang lokasyon dahil sa uri ng kanilang operasyon.

Ang New City Hall of Tayabas City na matatagpuan sa Barangay Baguio na sinasabing makabago, maalwan at mas kumportable, malawak ito at tatlong palabag, may elevator para sa mag-akyat panaog sa gusali, sa labas nito may sariling parking area.

Samantala sa May 9, 2023 isasagawa ang inauguration ng kanilang Bagong City Hall.

Pin It on Pinterest