News

Ilang lider kabataan ng Lungsod ng Lucena, nakiisa sa “Musikalayaan 2022”

Nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT ng Lungsod ng Lucena sa isinagawang ‘Musikalayaan 2022’ sa Luneta Park Open Air Auditorium kamakailan.

Ang naturang aktibidad ay bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-124 taon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas na siyang inisyatibo ng Armed Forces of the Philippines kasama ang Philippine National Police at National KKDAT.

Dito ay nagsilbing audience ang mga lider kabataang Lucenahin sa mga itinampok na talent ng iba pang mga kabataang Pilipino mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa.

Bago naman tumungo sa event, ay nagkaroon ng pagkakataon ang mga youth leaders na bumisita sa PNP Museum sa bahagi ng Camp Crame sa Quezon City.

Pin It on Pinterest