Guinayangan LGU, nagsagawa ng 3-day Seminar – Workshop on the Formulation Annual Investment Plan
Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Guinayangan, Quezon ang tatlong araw na seminar – workshop on the formulation of annual investment plan F.Y. 2024 na sinimulan nitong Miyerkules, May 17.
Ang naturang seminar ay magtatagal ng tatlong araw na inumpisahan ng May 17 hanggang May 19.
Pinangunahan ng Municipal Mayor Maden Isaac at Vice Mayor Norman Dublois ang aktibidad at nilahukan ng mga pinuno ng bawat departamento sa munisipalidad.
Nagbahagi dito ng kani-kanilang mga programa at layunin ang bawat pinuno upang mas madaling matukoy kung ano-ano ang mga proyekto na kailangan ng agarang pagtugon at mabigyan ng kaukulang badyet.
Layunin nito na mas maintindihan o maunawaan ang mga hakbang para sa mga gagawing pagpaplano ng Guinayangan LGU.