News

Inaalagaang Quezon Protected Landscape gagawing eco-tourism destination

Sa eksklusibong panayam ng Bandilyo TV kay Ginoong Ramil Gutierrez ng CENRO o Community Environment and Natural Resources Office – Pagbilao ay sinabi nitong isa ang Quezon Protected Landscape o ang lugar sa ibabaw ng lumang zigzag road sa pagitan ng Bayan ng Pagbilao at Atimonan ay isa sa mga lugar na itinutulak at dinedevelop ng DENR katuwang ang iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan upang maging eco-tourist destination. Ibinahagi ni CENRO Ramil na noon 2015 anya ay nabigyan ang kanilang opisina ng nasa 14 million pesos upang magamit sa Quezon Protected Landscape. Pinag-aaralan din anya ng ahensya kung gaano karaming tao lamang ang maaaring bumisita sa isang itinakdang panahon dahil ang lugar na ito ay isang protected area. Ayon pa sa opisyal ay mayroon mga kailangang sunding alituntunin kung bibisita sa protected area.

Isa rin sa pinag-aralan ayon kay CENRO Ramil Gutierrez ay willingness o kahandaan ng mga bisita kung magkano ang nais nilang ibayad o donasyon kaya sa pagpunta sa lugar upang mag-generate ng kita at makatulong sa pagmamantina nito. Nakabase naman anya ito sa isang resolusyon ng PAMB o Protected Area Management Board na isang governing body na binubuo ng iba’t ibang ahensya upang pangalagaan ang natural resources ng bayan, lungsod, lalawigan o ng isang rehiyon.

Pin It on Pinterest