News

Informal settlers, kawani ng pamahalaang panlalawigan, paunang makikinabang sa ‘pabahay program’ sa Quezon

Inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa regular session nitong Lunes ang isang resolusyon na nagpapahintulot sa pamahalaang panlalawigan sa paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa implementasyon ng ‘Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program’ sa lalawigan.

Ayon kay Quezon 4th District Board Member Isaias Ubana, mga kawani ng pamahalaang panlalawigan at mga informal settlers ang paunang makikinabang sa housing project na ito.

“Ito po ay pauna pa lamang para nga po ito sa mga informal settlers’ families kasama po ang employees of the provincial government”.

Ayon sa bokal, ang naturang resolusyon ay bilang tugon ng pamahalaang panlalawigan sa panawagan ng national government sa pagtugon sa problema sa tirahan sa mga lokalidad.

Layunin ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program na makapagpatayo ng 6 milyon housing units sa bansa sa loob ng 6 na taon.

Samantala, isa ring kaugnay na resolusyon ang ipinasa ng sangguniang panlalawigan para naman sa memorandum of understanding ng pamahalaang panlalawigan at Social Housing Finance Corporation sa implementasyon ng pilot social housing project.

Pin It on Pinterest