News

Job fair sa Lucena City, gagawin ng quarterly sa susunod na taon

Posible raw na gawin ng quarterly ang mga gagawing malawakang job fair sa Lucena City upang mabigyang oportunidad ang mga Lucenahin na makahap ng trabaho na hindi kailangan dumayo sa mga kalapit na probinsya.

‘Yan ang sinabi ni Ma. Cristina Encina, ang namamahala sa Public Employent Services Office ng lokal na pamahalaan ng Lucena City.

Ito ay batay raw sa sinabi naman ng administrador ng pamahalaang lokal.

“Gawa po ng binanggit ni Administrator Jun Alcala, next year ay gagawin po natin siyang quarterly. As much as possible gusto natin na mas mapababa pa ang ating unemployment rate dito sa Lucena City,” sabi ni Encina.

Ibig sabihin nito, posibleng 4 na beses sa loob ng isang taon o tuwing ika-apat na buwan magkakaroon ng malawang job fair sa Lucena City.

Noong November 11, matagumpay ang isinagawa nilang job fair na ginanap sa SM City Lucena kung saan nasa limang daan na aplikante ang nagtungo para maghanap ng trabaho, 23 naman na partner agency ang lumahok.

Nasa isang daan na aplikante naman ang na-hire on the spot.

Ngayong 2022 sa Lucena City, dalawang malawakang job fair ang inilunsad ng PESO.

Pin It on Pinterest