Lucen PNP naka Full Alert Status ngayong Holy Week
Bagamat hindi pa ganoon kadagsa ang mga mananakay sa Lucena City Grand Central Terminal, abala at mahigpit na ang siguridad dito ang mga awtoridad ay patuloy sa pag-paalala sa mga pasahero at mga driver para sa kanilang kaligtasan.
Kasama ng Lucena BFP at iba pang ahensya ng lokal na pamahalaan, umiikot sa terminal ang mga tauhan ng Lucena Police upang masiguro ang kapayapaan at kaligtasan ng lugar at ng mga tao.
Nagbibigay sila ng mga babasahin na nakapaloob ang tips kung paano sila makakaiwas sa aberya.
Sa loob ng terminal may Police Assistance Desk kung saan pwedeng lumapit ang sino man para sa ano mang katanungan at tulong.
Ang mga awtoridad sa lugar nakahanda raw sa posibleng pagdami ng volume ng mga pasaherong darating para sa holy week vacation.
Simula noong April 1, naka full alert na ang kapulisan para sa Oplan Summer Vacation, sa Lucena City naglatag na ng mga Police Assistance Desk at mga Motorist Assistance Center para umasiste sa mga biyahero sakaling magkaaberya.
Nagtalaga na ng mga police personel sa iba’t ibang lugar, gaya ng terminal, mall, pantalan at iba pa.
Paalala ng mga awtoridad sa publiko sakaling magkaroon ng aberya huwag daw mahihiyang lumapit sa kanila upang humingi ng assistance at kung mayroon namang makikitang kanihinala ay kaagad ipagbigay alam.
Sa Lucena City, sa ngayon wala namang namomonitor na seryosong banta seguridad pero nakaalerto ang Lucena PNP.

