News

Buhay na Kubol 2023 sa General Luna, nag simula na!

Bilang bahagi sa pagdiriwang at paggunita ng mga deboto ngayong Semena Santa, nag simula na sa bayan ng General Luna ang Buhay na Kubol 2023.

Kung saan, isinasabuhay dito ang mga pangyayari sa buhay ni Hesukristo mula sa huling hapunan hanggang muling pagkabuhay.

Ibinida din dito ang parada ng Senturyon kung saan makikita ang makukulay na costume na gawa sa mga materyales na makikita General Luna.

Matutunghayan din ang malilikhaing disenyo ng labing apat na istasyon ng kubol kung saan pinaghandaan at mas pinaganda ng bawat mamamayan sa nasabing bayan.

Kaugnay nito isasagawa din sa nasabing festival ang kauna-unahang Senakulo sa General Luna katuwang ang Sariaya Tourism Dramatic Guild.

Mapapanood at masasaksihan ang pagtatanghal at pagsasadula ng pasakit ni Hesukristo sa Biyernes Santo, April 7, 2023, sa ganap na ika-8 ng gabi (pagkatapos ng prusisyon), sa General Luna Central Elementary School Oval.

Pinaghandaan ang pagdiriwang na ito sa pamumuno ng Local Tourism Council at ng Lokal na Pamahalaam ng General Luna sa patnubay ni Mayor Matt Florido.

Pin It on Pinterest