News

Operasyon ng traffic division sa bahagi ng Barangay 5, nagkaroon ng komusyon

Sa gitna ng road clearing operation ng mga tauhan ng traffic division sa kahabaan Malvar St. sa Barangay 5 sa Lucena City, umaga ng November 16, 2022 kung saan tina-tire clamp ang mga sasakyan na iligal na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Nagkaroon ng komusyon sa pagitan ng traffic enforcer at isang indibidwal matapos na ma-tire clamp ang delivery vehicle ng mga ito na gamit sa negosyo na nakaparada sa gilid ng kalsada sa harap ng kanilang commercial establishment.

Iginiit ng namamahala ng commercial establishment na saglit lang na pumarada ang kanilang delivery vehicle.

“’Yang enforcer na ‘yan tinirelock na lang,” sabi ng nagrereklamo.

Ayon sa enforcer, higit limang minuto na raw na nakaparada doon ang sasakyan na wala namang driver na nakasakay para sana kanilang paalisin at bigyan ng warning.

“Kapag may driver po, pinapaalis po namin sir yoon po,” saad ng isang enforcer.

Humupa ang sitwasyon nang puntahan sila ng ilang mga barangay police para ayusin ang bangayan.

Ayon sa mga tauhan ng traffic division na nagsagagawa ng opersayon, ginagawa lamang raw nila ang kanilang trabaho kung ano nasa batas-trapiko sa naturang lugar. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagparada sa gilid ng kalsada.

Hirit naman ng naturang negosyante:

“Ang dami-daming nakaparada diyan lalo na doon sa kantong yoon, walang hinuhuli, winawang-wangan lang lalo ‘pag kotse”.

Ang ano mang reklamo laban sa mga traffic enforcer sa ginagawang operasyon ay maaari naman daw na idulog sa kanilang tanggapan para maimbestigahan.

Ang operasyon ay bahagi raw ng paglilinis sa kalsada sa naturang barangay.

Pin It on Pinterest