News

Kabutihan ni Dating Bokal Hermilando Alcala Jr., inalala sa necrological service ng Sangguniang Panlalawigan

Isang necrological service ang isinagawa sa bulwagan ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon sa pagpanaw ni dating Board Member Hermilando “Eming” Alcala Jr.

Inalala ng pamahalaang panlalawigan ang mga mabubuting bagay at kabutihang nagawa ng namayapang dating bokal.

Isang misa ang isinagawa na dinaluhan ng mga kapamilya, kaibigan, mga dating nakasama sa public service at ng mga kasalukuyang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Mga masasayang alaala at mga mabuting nagawa ang laman ng Eulogy ng mga dati nitong nakatrabaho sa Sangguniang Panlalawigan ng Quezon bilang Board Member at mga kasamahan noon sa Sangguniang Panlungsod bilang Ex-officio Member ng Konseho.

Ang pagiging mabuting ama sa pamilya at sa komunidad bilang lingkod bayan, ang mga alaalang hindi raw kakalimutan ng kanyang pamilya.

Pumanaw si Hermilando “Eming” Alcala Jr. nitong September 6.

Mahabang panahon itong nasilbi bilang lingkod bayan. 1975 nang magsimula siya sa serbisyo publiko bilang chairman ng Kabataang Barangay ng Cotta; 1978, nagsilbi siyang Presidente ng mga Barangay sa Lucena at naging Punong Barangay ng Cotta (2007- 2016) mula 2013-2016 siya ang naging pangulo ng mga Liga ng Barangay sa Lucena City.

Taong 2016-2019 naging miyembro si Eming Alcala Jr. ng Sangguniang Panlalawigan.

Matapos ang ginawang necrological service sa Sangguniang Panlalawigan, nagkaroon ng public viewing.

Pin It on Pinterest