Kapakanan ng PWD patuloy na isinasaalang alam
Patuloy na pinag-aaralan ng Committee on Social Welfare, PWD’s, Senior Citizens, Women and the Family ng konseho ang sektor ng Persons with Disability (PWD’s) sa lungsod upang maipagkaloob ang mga benepisyong nararapat para sa mga ito. Ayon kay Konsehal Sunshine Abcede, Chairman ng komite, gusto niyang maipasa ang isang ordinansa na nakasaad ang mga programa para sa sektor. Ang pinag-aaralang ordinansa anya ay para magkaroon ng permanenteng benepisyo para sa mga PWD’s, upang hindi lang tuwing buwan ng Hulyo sila nabibigyan ng atensiyon.
Hinikayat din ni Abcede ang mga Lucenahin na nabibilang sa sektor na kumuha ng PWD ID sa Persons with Disability Affairs Office na nasa ground floor ng bagong city hall upang mapakinabangan ang mga benepisyong itinakda ng batas para sa kanila. Naniniwala si Abcede na ang mga PWD ay may karapatan na maging bahagi ng pagpaplano at pagbalangkas ng mga batas ar regulasyon na direktang makakaapekto sa kanila.