News

Kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease sa bayan ng Tiaong, tumataas

Matatandaang kamakailan ay nakatanggap ang Tiaong Municipal Health Office ng ulat hinggil sa kaso ng Hand, Foot and Mouth Disease sa isa sa mga Barangay sa Tiaong, Quezon.

Agad din namang nagsagawa ng Health Advocacy Campaign ang nasabing grupo upang makontrol at maiwasan ang pagkalat ng HFMD sa mga bata.

Sa panibagong ulat ng Tiaong Municipal Health Office, tumataas ang mga kaso Hand, Foot and Mouth Disease (HFMD) sa nasabing bayan at halos lahat ng naapektuhan nito ay mga bata.

Panawagan naman ng Municipal Health Office na magreport sa kanilang opisina o sa Barangay Health Center para mas mabilis na maberepika ang sakit ng bata at huwag muna palabasin ang may sakit upang maiwasan ang pagkalat at mabigyan ng tamang medikal na atensyon.

Ipinapaalala din nila na ang HFMD ay isang nakakahawang sakit na pwede makuha sa sipon, plema, laway o dumi ng taong may HFMD o mga bagay na hinahawakan nito, kaya pinag iingat ang lahat.

Pin It on Pinterest