News

Blended learning, ipatupad sa gitna ng banta ng El Niño – Bokal Jet Suarez

Hiniling ni Quezon Provincial 3rd District Board Member Donaldo “Jet” Suarez sa isinagawang regular na session ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon na magpatupad ng blended learning sa kabila ng napakainit na panahon.

Ito’y upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral pati na rin ang mga kawani ng faculty ng lahat ng paaralan sa naturang lalawigan.

“As we have experienced in the past few weeks ladies and gentlemen. We are now subjected to a VERY unusual high temperatures, ano po? This representation also would request with concurrence with Committee on Education that’s local school board and the office of our good Governor Dra. Helen Tan to give the authority the school heads either to impose or adopt or a blended learning system para po maiwasan po natin na tamaan ng napakatinding init po sa ating mga eskwelahan or to even call classes early dismissal just in case po mga kasama na tatamaan po tayo ng napakatinding init this is for the safety ladies and gentlemen not only for the students but also the faculty staff of all the schools in Quezon Province,” sabi ni Suarez.

Una nang iniulat kamakailan ng Department of Education o DepEd na nagpapatupad na ang ilang mga paaralan ng blended learning sa gitna ng napakainit na panahon, kung saan isinasagawa ang face-to-face classes sa mga oras na may mas maginhawa at komportableng temperatura at sinasabayan din ng pagtuturo gamit ang alternative learning delivery modes.

Sa ilalim ng DepEd Order No. 037 s. 2022, kailangang ipatupad ang modular distance learning, performance tasks, projects, o make up classes kasunod ng pagkansela o pagsuspinde ng mga klase.

Ito ay upang matiyak na nagpapatuloy pa rin ang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Matatandaan namang naglabas ang PAGASA ng El Niño alert kamakailan matapos ipakita ng mga forecast na magkakaroon ng 80% probability ang naturang phenomenon sa loob ng susunod na tatlong buwan na maaa¬ring magtagal hanggang sa unang quarter ng 2024.

Pin It on Pinterest