News

Kauna-unahang pagpupulong ng PCL Quezon Federation, isinagawa sa Lucena City

Isinagawa sa Lalawigan ng Quezon ngayong araw ng Biyernes, February 3 ang Officers, Board of Directors and Municipal Coordinators meeting sa Cultural Arts Center, Governor’s Mansion Compound sa Lungsod ng Lucena.

Dinaluhan ito ng Philippine Councilors League o PCL Quezon Federation sa panguguna ni Sangguniang Panlalawigan Board Member Angelo Eduarte at ng mga PCL Officers, Board of Directors at mga Municipal Coordinators mula sa iba’t ibang bayan ng naturang lalawigan.

Ayon sa Pangulo ng PCL Quezon Federation na si Sangguniang Panlalawigan Board Member Angelo Eduarte, ang naturang pagpupulong ay may kinalaman sa mga isasagawang aktibidades ng PCL Quezon Chapter at sa gaganaping 2023 PCL National Convention sa darating na March 9 hanggang 13 sa World Trade Center, Pasay City, Metro Manila.

“Ito po ay may kinalaman sa aming mga susunod na activity at lalo’t higit itong darating na March 9, 10 and 11 para po sa gaganaping National Convention ng PCL National na kung saan sa March 8 ay magkakaroon po ng National Election at sa pagbabago ng liderato ay marahil magkakaroon po ng bagong activity or agenda ang susundo na Presidente ng National President”.

Bukod dito, pinaghahandaan na rin ng PCL Quezon Federation ang selebrasyon sa PCL Week 2023 sa buwan ng September.

“Dito naman po sa Lalawigan ng Quezon meron po tayong mga activity na gagawin sa 1st quarter, 2nd and 3rd quarter. Isa ho sa aming gustong gawin dito po sa atin sa Lalawigan ng Quezon hinggil sa darating na PCL Week Celebration bagama’t ito po ay malayo pa sa buwan ng Setyembre ay amin nang pinaghahandaan”.

Layunin nito na magkaroon ng isang pagtitipon ang lahat ng mga konsehal sa lalawigan at higit pang paigtingin ang pagsasamahan ng nasabing opisyales sa buong lalawigan.

“Dahil nakikita natin na bagama’t ang ating mga konsehal ay palagian na tumutugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga kababayan ay may panahon naman para ang isang konsehal sa bawat bayan ay magkaroon naman ng pagkakataong ituon ang kanilang sarili sa pamamagitan po ng pagbibigay ng panahon na makasama ang lahat ng konsehal sa buong lalawigan”.

Pin It on Pinterest