LocalNews

Palarong Quezon 2025, pormal nang binuksan sa Lucban

“Isports at Atletang Quezonian, Pinasisigla, Pinalalakas, at Pinauunlad ng Pagkakaisa” ‘Yan ang tema ng Palarong Quezon 2025 na opisyal nang binuksan sa Southern Luzon State University Gymnasium, Lucban, Quezon.

Libo-libong atleta mula sa 39 na munisipalidad ang magtatagisan ng husay sa iba’t ibang sporting events para maging pambato ng dibisyon ng Quezon sa regional level.

Binigyang diin ni Governor Dra. Helen Tan na buo ang suporta ng pamahalaang panlalawigan para sa mga programa at aktibidad na may kaugnayan sa pampalakasan lalo na at namamayagpag ang mga atletang Quezonian.

Pinasalamatan din ng ina ng lalawigan ang mga punongbayan na nakaalalay at sumusuporta sa mga paaaralan upang maisulong ang mga aktibidad tulad ng Palarong Quezon.

Hinangaan din niya ang pamunuan ng mga tawid-dagat na bayan na noong Biyernes pa lamang ay bumyahe na para matiyak ang pakikilahok sa paligsahan.

Samantala, bukod sa Lucban, magkakaroon din ibang sporting events sa ibang lungsod at munisipalidad tulad ng athletics track and field, boxing, swimming na gaganapin sa Lucena City; archery, pencak silat, wushu sa Pagbilao; gymnastics , tennis sa Tiaong; at baseball, softball naman sa San Antonio.

Pin It on Pinterest