News

Bangkay ng lalaki, natagpuan sa tabing kalsada sa Sariaya, Quezon

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuan sa kahabaan ng Eco Tourism Road Sitio Bagong Pook, Barangay Talaan Aplaya, Sariaya, Quezon kaninang umaga, Enero 17, 2023

Ang bangkay ay may mga tama ng bala ng baril sa katawan, tinatayang 40-45 anyos. Sa deskripsyon ng mga awtoridad nakasuot ng t-shirt, itim na jogger pants, itim naball cap, itim na sandals at may Sputnik tattoo sa kanang braso.

Ayon sa report ng Sariaya PNP dakong alas 6:45 ng umaga nang matagpuan ng nagpapatrolyang pulis ang bangkay ng lalaki na nakahandusay sa tabing-kalsada.

Sa pag-iimbestiga, walang nakakakilala sa lugar sa naturang bangkay.

Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon at operasyon ng awtoridad para matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

Pin It on Pinterest