News

Kulang isang milyong halaga ng ilegal na droga nasabat ng Quezon PNP

Arestado ang tatlong drug suspect sa magkahiwalay na Search Warrant Operation ng kapulisan ng Atimonan PNP-DET sa Brgy Zone I, Atimonan Quezon at Buy-bust operation ng Tiaong PNP DET sa Sitio Guinting, Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon, nitong October 10 at October 11, 2022.

Ayon kay PCOL LEDON D MONTE, Officer-In-Charge ng Quezon PPO, bandang alas 09:05 ng umaga isinagawa ang operasyon ng Search Warrant na inisyu ni Hon. Michael E Vito, Assisting Judge RTC Branch 172 Gumaca, Quezon sa kasong paglabag sa section 11 Article II of RA 9165, kung saan naaresto ang suspek na si Romel Fresnillo Lubrico alyas Romel, 43 years old, at kasalukuyang residente ng Brgy. Zone I Atimonan, Quezon.

Ayon sa ulat ng Atimoman PNP, nakumpiska sa isinagawang Search Warrant operation laban kay Rommel ang mga ebidensyang: (2) piraso ng mga sachet ng hinihinalang droga na may humigit-kumulang na timbang na 9.83 gramo na may halagang Street Value na Php 200,532.00.

Sa hiwalay na operasyon, inilahad naman ni PCOL MONTE bandang 02:30 ng madaling araw petsang kasalukuyan nang maaresto sa isang buy-bust operation ng Tiaong PNP ang (2) pang Drug Watchlist Suspects na sina JAYSON GONZALES ENRIQUEZ, alias Jayson, 37 years old, residente ng Purok Masigasig, Brgy. Gulang-Gulang, Tiaong, Quezon at RICK VITO ZUÑIEGA, alias Rick, 39 years old na kasalukuyang residente ng Esqueta Subd, Brgy. Calumpang, Tayabas, Quezon.

Batay sa imbestigasyon, sila Jayson at Rick ay naaresto sa aktong pagbebenta ng pinagbabawal na droga, kung saan narekober naman sa kanilang mga posesyon ang mga ebidensyang; (3) piraso ng mga sachet ng hinihinalang droga na may humigit-kumulang na timbang na 38.96 gramo at halagang sumatotal na Street Value na Php 792,784, (2) piraso ng 1000-peso bill (buy-bust money), at (1) Toyota Vios Color Green with plate DAH 2026 na pagmamay-ari ng naturang suspek na si Rick.

Gayundin naman, ang pagkakaaresto sa 3 Drug Suspects ay isinagawang nakabatay sa naaakmang pagpapabatid ng karapatang pangkonstitusyon (Miranda Doctrine at Anti-Torture Warning) at nasundan naman ng pag-iimbentaryo sa harap ng mga Barangay Official ng nasabing lugar at kinatawan ng media.

Ang nadakip na suspek ay nahaharap naman ngayon sa kasong Violation of Section 5 and 11, Article 2 ng RA 9165 at kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lucena City Police Station para sa tamang dokumentasyon ng proseso ng paglilitis at sasailalim sa pisikal at medikal na eksaminasyon.

Pin It on Pinterest