News

Digital Entreprenuership, isinusulong para sa mga kabataan sa bayan ng Lopez

Kasabay ng pamamahagi ng Educational Financial Assistance sa humigi’t kumulang sa isang libong Estudyanteng Responsable, Aktibo at Umaasenso o ERAU ay binigyang-diin ni Mayor Rachel Ubana ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kita ng mga kabataang Lopezeño kasabay ng kanilang pag-aaral.

Ayon kay Mayor Rachel, sa pamamagitan ng Digital Entrepreneurship na kanyang ilulunsad sa bayan ng Lopez ay magkakaroon ng pagkakataon na kumita ang mga mamamayan saan man sila, ano mang oras at ano man ang kanilang ginagawa.

Dagdag pa ng Alkalde, isang paraan din ito ng paghihikayat sa mga kabataan na gamitin ang kanilang oras sa makabuluhan at produktibong gawain kaysa ilaan ito sa mga bisyo, sa paglalaro ng computer at internet games na walang idudulot na maganda sa kanilang buhay.

Ang kampanya at programang ito ay bahagi ng MRAU Agenda No. 5, Education, Employment & Economic Advancement.

Pin It on Pinterest