News

LGU Tagkawayan at NFA lumagda sa kasunduan para sa pagbili ng palay

Lumagda sa isang kasunduan ang lokal na pamahalaan ng Tagkawayan, Quezon upang bigyang suporta ang programa ng National Food Authority na pagbili ng palay sa mga magsasaka.

Sa kasunduan, mabibili ng NFA ang bawat kilo ng palay sa halagang P19 kung saan may karagdagang piso na mangagaling sa lokal ng pamahalaan.

Ayon kay Rodrigo Embate, Regional Manager ng NFA Southern Tagalog, una ang Tagkawayan sa buong lalawigan ng Quezon na naging ka-partner ng ahensiya sa ganitong programa.

Nakapaloob din sa kasunduan ang pagpapahiram ng local government ng pasilidad sa Resiliency Complex bilang imbakan ng mabibiling palay ng ahensiya.

Binigyang-diin naman ni Embate na handa ang NFA para sa suportang mekanismo, mekanikal, pagaaral at pagsasanay para sa mga magsasaka para sa mas magandang kalidad ng palay.

Dumalo rin sa aktibidad ang dating konsehal na ngayon ay Presidente ng Samahan ng mga Magsasaka na si Rayman Salvo at inilapit ang mga hinaing at saloobin ng mga magsasaka para sa may maayos umanong kapakinabangan ng bawat isa.

Pin It on Pinterest