Mga stranded na pasahero sa labas ng Port Of Lucena, sa Covered Court magpapalipas ng magdamag
Maraming pasahero mula Metro manila na sasakay sana ng barko sa Port of Lucena para tumawid sa Marinduque upang dito gunitain ang araw ng mga patay ang hindi pinapasok sa loob ng pantalan matapos kanselahin ang biyahe ng mga barko bunsod ng bagyong Paeng ang mananatili ngayon at magpapalipas ng magdamag sa Covered Court ng Barangay Dalahican.
Kagaya ni Jeffrey na may kasama pa namang bata sana raw pinapasok man lang sila sa pantala upang doon nalang magpalipas ng magdamag.
‘’Mahirap po sir pag nandito kami sa labas hindi kagawa sa loob kasi doon makakapagpahinga tapos makakasilong tapos may CR doon mahirap pag sa labas,’’ sabi ni Jeffrey.
Ang ilang stranded sa labas sa malapit na hotel na muna mananatili habang wala pang biyahe, e paano naman daw iyong mga pasaherong wala masyadong budget.
‘’Gusto naming na makapasok kami doon para safe kasi doon makakaupo may cr na maayos dito makiki-cr pa,” ayon kay Rosalie.
Ayon sa Kapitan ng Barangay na si Roderick Macinas, tanging ang covered court lamang ang maaring pansamantalang matutuluyan ng mga stranded na pasahero sa labas ng Port of Lucena, makikipag-ugnayan daw siya sa MDRRMO Lucena City kung anong pwede assistance na maibigay sa mga ito.
42 sa tala kaninang umaga ang stranded na pasahero na maaring manatili sa kanilang barangay na posible pa raw madagdagan.
Samantala, hindi naman bababa sa 40 cargo truck ang natengga ngayon sa labas nmg gate 4 ng pantalan sa sa loob ng kanilang mga sasakayan at sa kalsada sila mamalagi habang wala pang biyahe problema ng ilang biyahero ang kulang na budget sa kanilang pagkain.