News

Libreng tech education alok sa mga mag-aaral sa Buenavista, Quezon

Isang orientation ang isinagawa nitong Miyerkules sa bayan ng Buenavista, Quezon kaugnay sa programang inilulunsad ng DualTech Center sa pakikipagtulungan ng LAO Foundation, Inc. para sa mga mag-aaral ng Senior High School na nais makapag-aral nang libre.

Sa ilalim ng programa, bibigyan ng pagkakataon ang mga kwalipikadong mag-aaral at mga aplikante na makapag-aral ng technical courses nang libre kasama na ang allowances habang nag-aaral.

Tutulungan din ng DualTech at LAO Foundation ang mga mag-aaral na nagsipagtapos sa kanilang programa na makahanap agad ng mapapasukang trabaho.

Pinangunahan ang nasabing orientation ni Buenavista PESO Manager Venus Lazo kasama ang Head Operation ng LAO Foundation, Cristina Viray at Manager Community Relation ng Dualtech, Rodolfo Sta Ana III.

Ito ay kaugnay umano sa pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan sa mga institusyong pang-edukasyon at pangkabuhayan para sa mga mamamayan ng Buenavista.

Dinaluhan din ang nasabing programa ng municipal Executive Assistant, Lemia A. Jusi kasama ang kinatawan ng PSDS-DepEd Buenavista District I na si Jeric Olpindo at Buenavista National High School na kinatawan naman ni Ailen Las Piñas upang maipagbigay alam ang impormasyon sa mga interesadong mag-aaral mula sa nasabing mga paraalan.

Pin It on Pinterest