News

Bangkay ng batang babae na hinihinalang ginahasa, natagpuan sa bakanteng lote sa Lucena City

Isang bangkay ng batang babae na hinihinalang biktima ng panggagahasa ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa tabi Meralco Building sa Brgy. Gulang-Gulang, Lucena City.

Ang biktima ay halos wala ng saplot sa katawan nakagapos ang mga kamay at nakabusal ang bibig, walong taong gulang.

Madaling araw ng May 31 nang mawala ang biktima.

Ayon sa ama ng biktima sa pagitan ng ala una at alas dos ng madaling araw ng hindi na nila makita ang kanilang anak matapos itong utusan na bumili ng kape.

Mag-aalas dos ng hapon, bangkay na nilang nakita ang kanilang anak.

Pasado alas onse ng itawag sa Barangay 11 na may isang bangkay ng batang babae ang natagpuan sa bakanteng lote ng nasabing lugar.

Humagulgol sa pagiyak ang ina ng biktima ng malamang wala na ang kanyang pangnay na anak na babae.

Dayo lamang sa Lucena City ang buong pamilya at natulog lamang sa bangketa sa harap ng Quezon Medical Center.

Dumayo sa syudad upang makipyesta, galing daw sila ng Pasayahan Village noong gabi bago mangyari ang krimen sa kanilang anak, may ilang araw na rin sila sa syudad buhat pa noong May 28, papauwi na raw sana sila ngayong araw sa kanilang bayan sa Barangay Kalilayan Ibaba Unisan Quezon.

Ang biktima ay kinilalang si Joelina Escamillas.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pangangalap ng mga ebidensya ng mga imbestigador ng Lucena PNP, upang matukoy kung sino ang salarin.

Pin It on Pinterest