News

Naitalang negosyo sa San Francisco, Quezon, tumaas ng 48%

Unti-unti nang nakakabangon ang mga negosyo sa bayan ng San Francisco, Quezon na isa sa pinakaapektadong sektor nitong pandemya.

Ayon sa San Francisco Public Information Office, as of March 15, 2023, nasa 432 na mga business establishment na ang nakapagtala sa Municipal Business Permit and Licensing Office matapos ang tatlong buwan na pangangampanya ng lokal na pamahalaan hinggil sa tamang pagpaparehistro ng legal na pagnenegosyo.

Mas mataas umano ito nang 48.45% kumpara noong nakaraang taon at nahigitan pa ang pre-pandemic.

Pinakamataas umanong ang bilang na ito simula noong taong 2017.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang numerong ito ay bunga ng sama-samang pagsisikap ng iba’t ibang departmento.

Kabilang dito ang pagsasagawa ng joint inspection sa mga business establishments bago matapos ang taong 2022 para sa pag-pagpapaalala sa pagtalima sa mga panuntanan ng pamahalaan at paglulunasad ng Business One-Stop Shop sa simula ng taong 2023 para mas madali at convenient na pag-apply ng business permit.

Ang San Francisco ay isang 2nd class municipality sa lalawigan ng Quezon.

Pin It on Pinterest